Friday, August 19, 2005

siya ba o hindi?

SIYA BA O HINDI?

ako'y bumaba, naglakad papuntang pintuan
nang biglang napalingon nang may madaanan
"siya ba yun?" tanong ko sa aking sarili
lilingon sana ng tingin, ngunit baka ako'y mahuli
naku, baka mapaghalataan pa, wag na lang nga!
bahala na lang sila sa buhay nila

ako'y lumabas at nag-intay ng masasakyan,
nang makita ko sila muli sa labasan
aba, mukhang imposible ata ito!
maglakad ba sa kung saan marami ang tao?
baka naman nakaparada ang kotse sa katabing gusali
sige, nagkunwari na lamang akong walang paki

ngunit papunta sila sa aking pinagkakatayuan
patungo kung nasaan ang sakayan
mula sa gilid ng mata ako'y sumilip,
"ah hindi siya iyon," aking naisip
"o baka naman sa extra challenge siya'y kasali
kung hindi e sa bitoy's funniest o sa wow mali? "

di lumaon at may dumaan sa ayala,
kotse na ford na ubod ng ganda
at sa hindi inaasahang pangyayari
ang ford sa kalsada'y biglang tumabi
bumukas ang pinto at siya'y sumakay
kasama ang ilan niyang mga alalay

sa wakas ay nagkalinaw rin ang lahat ng ito
sabay may kumanta pa sa likod ko
"there's a rainbow always after the rain..." ang awit nya
at doon ay nasiguro ko na
siya nga iyon, sabi ko na nga ba!!!
at napuno na lamang ng ngiti ang aking mukha

*BOW*

They said:

Post a Comment

<< Home